Posibleng sa susunod na buwan pa maramdaman ang mas mataas na toll fee sa SCTEX at MCX.
Ayon kay Alberto Suansing, Spokesman ng Toll Regulatory Board (TRB), kailangan pang malathala ng tatlong linggo sa mga pahayagan ang resolusyong pinapayagan nang magtaas ng singil sa toll ang mga nagpapatakbo sa SCTEX at MCX bago maglalabas ng notice to collect ang TRB.
Kasabay nito ay idinepensa ni Suansing ang pag-apruba ng TRB sa petisyon na makapagtaas ng toll fee.
“Mapapnsin naman natin ang improvement na ginawa nila, ‘yung pangangalaga na ginagawa nila sa kalsada kasama na diyan ang enforcement ng traffic rules and regulations, then of course nasa kontrata kasi ‘yan nila.” Pahayag ni Suansing
Para sa mga dumadaan sa SCTEX, magiging 3.57 na mula sa dating halos tatlong piso ang toll fee sa Class 1, mahigit pitong piso mula sa dating halos anim na piso ang sa Class 2 at P10.71 sa Class 3 mula sa dating halos siyam na piso.
Tatlumpung sentimo naman ang nadagdag na toll sa Class 1 ng MCX mula sa 34 pesos ay magiging 35 pesos naman para sa Class 2 at 52 pesos para sa Class 3 mula sa dating 51 pesos.
(Ratsada Balita Interview)