Nakiusap ang aktor na si Tom Rodriguez sa kanyang followers sa Instagram na tigilan ang pagbanggit ng pangalan sa kanyang hiwalay na asawa na si Carla Abellana.
Nag-post si Tom sa kanyang IG account ng video na chill lang habang nasa loob ng sasakyan.
Sabi niya sa caption, “Vegas Dust Storm Vibes”.
Sa comment section bumuhos ng komentong “Happy First Wedding Anniversary.”
Napukaw ang atensyon ng aktor sa comment ng isang netizen.
Ayon sa netizen, naniniwala na mayroong ‘Happy Ending’ ang kwento nina Tom at Carla.
Sinagot naman ito ng aktor na wag nang banggitin ang pangalan ni Carla sa kanyang page dahil hindi na sila magkasama. —sa panulat ni Jenn Patrolla