Muling in-unfollow ng aktor na si Tom Rodriguez ang asawang si Carla Abellana matapos ang ilang buwang pahinga nito sa social media.
Nabatid na sa muling pagbabalik ni Tom sa kaniyang social media, kaniyang ginulat ang publiko matapos mag story ng isang larawan ng dalawang kamay na tila nakawala sa pagkakagapos sa isang kadena.
Napansin din ng mga netizen na hindi umano naka-follow ang aktor sa kaniyang estranged wife habang si Carla naman ay nanatiling naka-follow sa aktor.
January 25, 2022 nang pumutok ang hiwalayan nina Tom at Carla matapos mapansin ng netizens na parehong hindi na naka-follow sa isa’t-isa ang mag-asawa sa Instagram.
Sa ngayon, inaayos na ni Carla ang annulment case para mapawalang bisa ang kanilang kasal ni Tom Rodriguez.