Iginiit ni Public Attorney’s Office Chief, Atty. Persida Acosta na hindi dapat isailalim sa Witness Protection Program ng Department of Justice ang taxi driver na si Tomas Bagcal.
Ayon kay Acosta, legal counsel ng pamilya ng mga biktimang sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “kulot” de Guzman, na hindi “credible witness” si Bagcal dahil sa pagsisinungaling makaraang limang beses nitong baguhin ang kanyang testimonya.
Ang tunay anyang testigo ay hindi magbabago ng salaysay sa kahit saang korte anuman ang mangyari.
Nanindigan din si Acosta na kasabwat ng mga Pulis-Caloocan si Bagcal sa pagpatay kina Arnaiz at de Guzman.
Naniniwala naman ang PAO Chief na tanging ang eyewitness na si alyas “Daniel” na nagturo sa lugar kung saan pinatay si Carl sa C-3 road sa Caloocan ang dapat isailalim sa W.P.P.
SMW: RPE