Isinama na sa listahan ng mga ‘primary suspect’ sa pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo ‘alyas Kulot’ de Guzman ang taxi driver na si Tomas Bagcal.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre , sinampahan ng kaso si Bagcal dahil sa biglang pagpapalit nito ng pahayag kung saan sinabi nito na kutsilyo ang ginamit ng dalawang nabanggit na kabataan taliwas sa nauna nitong sinabi na may dala umanong baril si Arnaiz.
Ani Aguirre, nagsimulang magbago ang mga salaysay ni Bagcal nang may isang testigong lumutang at sinabing nakita nito sina Arnaiz, Kulot at Bagcal na kasama pa ang mga pulis mula sa Caloocan.
Batay sa kwento ng naturang testigo, sakay ni Bagcal sa kanyang taxi si PO1 Jeffrey Perez habang magkakatabi sa likod ng sasakyan sina Arnaiz at Kulot at isa pang hindi nakikilang lalaki.
Aniya, naroon sa lugar sina Bagcal at Perez, kasama ang iba pang mga pulis na nakasuot-sibilyan at mga barangay tanod nang mapatay si Arnaiz.
Sinabi naman ng testigo na nakahanda siyang makipagtulungan sa imbestigasyon ngunit hinihiling nito na mabigyan muna ng proteksyon ang kanyang buhay.
SMW: RPE