Bagama’t inamin ni Devon Seron na siya’y ‘no boyfriend since birth’ ay mariing itinanggi ng dalaga ang mga ispekulasyong siya’y tomboy.
Aniya sana ay tigilan na ang tomboy issue laban sa kanya dahil wala aniyang katotohanan ito.
Sinabi ni Devon na kahit noong high school pa siya ay napagkakamalan na siyang tomboy dahil sa pagiging boyish at halos lahat ng kaibigan niya ay lalaki, pero pagtitiyak ng dalaga, nagkaka-crush pa rin siya sa opposite sex.
Sa katunayan ay inamin ni Devon na umaasa siyang darating na ang ‘man of her dreams’ lalo’t hindi na umano siya bumabata.
Sa ngayon ay busy ang dalaga sa pag-promote ng bagong pelikulang “You With Me” kung saan makakasama niya ang Korean actors na sina Hyun Woo at Jin Ju-Hyung.
Nang tanungin kung bukas ba siyang ma-in love sa isang foreigner sinabi ni Devon na hindi naman siya namimili ng lahi pagdating sa pag-ibig, aniya ang mahalaga ay ang magandang karakter ng tao.
Una nag naipareha si Devon sa kapwa ex-PBB housemate na si James Reid.
Sinabi ni Devon na handa naman siyang muling makatrabaho si James na aniya’y kanyang matalik na kaibigan.
AR / DWIZ 882