Huwag niyo kaming gawing tapunan ng basura!
Ito ang binigyang diin ng Subic Bay Metropolitan Authority kasabay ng hirit sa Bureau of Customs (BOC) na alisin na sa free port ang 15 container vans na naglalaman ng basura mula sa Canada.
Ang mga naturang container vans ay bahagi ng halos 800 vans na dinala noong Agosto ng nakaraang taon sa Subic para lumuwag ang Port of Manila.
Sinasabing nagbubuga ng masangsang na amoy ang mahigit 10 container vans habang ang dalawang iba pa ay naglalabas naman ng hindi pa matukoy na likido.
By Jelbert Perdez