Aabot sa 265 toneladang basura ang nahakot ng pamahalaang lungsod ng Maynila ilang araw matapos ang pista ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand at Quiapo.
Ayon kay Atty. Princess Abante, spokesperson ni Manila Mayor Honey Lacuna, ang nahakot na basura mula Enero 6 hanggang 9 ay katumbas ng halos 100 truck ng basura.
Kumpara ito sa nahakot na basura na 196 na metrikong tonelada noong 2021.
Samantala, nagpasalamat naman si Lacuna sa mga deboto at organizer na nakiisa sa pista dahil sa mapayapa at maayos na pagdaraos nito. —sa panulat ni Hannah Oledan