Hindi tatakasan ng Canada ang usapin ng pagtatapon nito ng tone-toneladang basura sa Pilipinas.
Ito ang pagtitiyak ni Canadian Ambassador to the Philippines Niel Reeder matapos makarating sa kanilang atensyon ang nasabin usapin.
Paliwanag pa ni Reeder, resulta aniya ang pagdadala ng mga basura sa Pilipinas ng kasunduang kanilang nilagdaan sa pribadong kumpaniya.
Ngunit pagtitiyak naman ng embahador ng Canada, hindi nakalalason o non-toxic ang mga dinalang basura sa Pilipinas.
Tinitingnan na rin ng Canadian government kung maaaring amiyendahan ang batas para maibalik ang mga basura dahil walang batas sa ngayon na maaaring pumilit sa importer na ibalik ang mga basura sa kanilang bansa.
By Jaymark Dagala