Aabot sa mahigit 300 tonelada ng basura ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa pagpapalit ng taon.
Ngunit ayon kay Francis Martinez, pinuno ng Metro Parkway Clearing Group ng MMDA, mas mababa ito kumpara sa mahigit 700 toneladang basura na kanilang nakolekta noong isang taon.
Sinasabing dahilan ng pagkaunti ng mga nakolektang basura ay dahil sa naranasang pag-ulan sa bisperas hanggang sa mismong araw ng Bagong Taon 2016.
Karamihan sa mga nakolekta ng MMDA ay mga basyo ng paputok, plastic bags, mga bote, food wrappers at upos ng sigarilyo.
By Jaymark Dagala