Tone-toneladang basura ang naiwang nakatambak sa ilang bahagi ng Metro Manila matapos ang pagsalubong sa bagong taon kahit pa kaunti ang mga nagpaputok bunsod na rin ng pag-ulan.
Naglibot naman kahapon ang mga truck ng basura mula Metro Manila Development Authority (MMDA) upang linisin ang mga ga-bundok na basurang iniwan ng mga paputok.
Kabilang sa mga sinuyod ng MMDA ang mga kalsada sa lungsod ng Maynila partikular sa kahabaan ng Claro M. Recto avenue mula Divisoria hanggang sa mga kalapit na lansangan.
Katuwang ng MMDA ang ilang miyembro ng ecowaste coalition sa paglilinis ng mga tambak na basura.
By Drew Nacino