Nagpasaklolo na sa Court of Appeals ang ilang residente sa bayan ng Guiuan sa lalawigan ng Eastern Samar.
Ito’y para pigilan ang operasyon ng Hinatuan Mining Corporation na nagpupuslit ng tone-toneladang Nickel Ore sa Manicani Island sa Barangay Buenavista.
Kahapon, naghain ng Writ of Continuing Mandamus ang mga residente ng Manicani Island na sina Rebecca Destajo, Marcial Samooc at Rosalinda Bergado laban kay Environment Secretary Ramon Paje at apat pang mga opisyal ng DENR.
Hiniling ng mga petitioner na atasan ang DENR na ipatupad nito ang naunang kautusan ng kagawaran nuong 2002 na nagsususpinde sa operasyon ng minahan.
Maliban dito, hiniling din ng mga petitioner sa Appellate court na magpalabas ng Temporary Environmental Protection Order o TEPO upang mapigilan ang ginagawang pagpupuslit ng mga Nickel Ore patungong China.
By: Jaymark Dagala