Muling niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Tonga.
Ayon sa United States Geological Survey, namataan ang sentro ng lindol sa layong 219 kilometers Northwest sa bayan ng Pangai na may lalim na 14.5 kilometro.
Sa pahayag ng Tonga Government, umabot sa 150,000 katao ang naapektuhan ng pag-alburoto ng under water volcano sa lugar.
Dahil dito, napilitang lumikas sa mataas na lugar ang nasa tatlong libong katao.
Nagsasagawa na ng initial damage assessments para malaman nang kabuuang bilang ng pinsala habang nagbigay narin ng agarang pangangailangan ang humanitarian assistance sa mga apektadong residente. —sa panulat ni Angelica Doctolero