Tinamaan ng tsunami ang bansang Tonga.
Ito’y kasunod ng pagsabog ng isang underwater volcano malapit sa Pacific island.
Ayon sa Tonga Meteorological Services, agad na itinaas ang tsunami warning sa bansa kasunod ng pagragasa ng malalaking alon sa iba’t ibang lugar.
Wala pang iniuulat na nasawi o nasaktan sa naturang insidente.