Tila ini-enjoy ni Toni Gonzaga-Soriano ang kaniyang new found freedom sa kaniyang career.
Inamin ni Toni na mas madali na siyang makapag-paalam sa asawang si Direk Paul Soriano kaugnay sa mga commitment niya sa Showbiz ngayon kumpara noong single pa siya.
Ayon kay Toni, maraming tanong ang kaniyang Mommy Pinty kapag nagpapaalam siya sa mga gagawin niyang proyekto pero ngayong siya ay double na as in married na, mabilis niyang napapa-oo ang kaniyang kabiyak kapag nagpapaalam siya.
Siyempre naman, may yabang na inihayag ni Toni na hindi talaga makaka hindi naman o sasabak sa maraming question and answer portion ang kaniyang husband dahil siya naman ang masusunod.
Joke lang naman daw yun ayon kay Toni.
Basta natutuwa siya dahil naiintindihan ni Direk Paul ang kalakaran sa show business.
By Judith Larino