Present kagabi ang bagong kasal na sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano sa ginanap na 46th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, kung saan pinarangalan si Toni bilang Box Office Queen para sa hit movie nila ni Piolo na Starting Over Again noong 2014.
Aminado si Toni na nakakaranas siya ngayon ng separation anxiety sa kaniyang pamilya.
Aniya, naninibago siya dahil 31 years ng kaniyang buhay ay kasama niya ang kanyang mga magulang, gayunpaman ay masaya aniya siya sa bagong chapter ng kaniyang buhay.
Kuwento pa ni Toni, exciting din dahil nagagawa na niya ang lahat ng gusto niyang gawin.
Nabanggit din ang pagiging emosyonal ng bunsong kapatid nito na si Alex Gonzaga sa pagbukod niya ng bahay.
Aniya, hindi talaga maiaalis yun dahil roommates sila at talagang partner silang magkapatid sa bahay.
Plano naman ng mag-asawa na mag-honeymoon sa Amanpulo Palawan na regalo ng isa sa kanilang ninang na si Kris Aquino.
By Jenny Valencia