Isinilang na ang panganay ng mag-asawang Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano.
Isang malusog na baby boy via normal delivery ang ipinanganak ni Toni kaninang alas-5:23 ng madaling araw sa St. Luke’s Medical Center.
Pinangalanan nila ang kanilang first baby na Severiano Elliot Gonzaga Soriano.
Sa ngayon ay nasa mabuti kalagayan naman daw ang mag-ina ni Direk Paul.
Excited na rin ang publiko na makita kung sino ang kamukha ng panganay ng mag-asawa.
Ikinasal sina Toni at Direk Paul noong nakaraang taon matapos ang 8 taon bilang magkasintahan.
By Jenny Valencia