Nagsalita na ang Kapamilya actress na si Toni Gonzaga sa lumabas na isyu kaugnay ng pagkaka-ugnay ng kanyang asawang si Direk Paul Soriano sa aktres na si Erich Gonzales.
Ayon kay Toni, noong Mayo pa ay sinabi na sa kanya ni Paul na posibleng kumalat ang isyu na mag-lillink sa kanya kay Erich dahil nangyari na aniya ito sa asawa noong nakatrabaho naman si Maja Salvador.
Ani ng aktres, hindi talaga maiiwasan ang mga katulad na isyu lalu’t kinausap na rin siya ni Erich na nakatatanggap na ito ng mga pambabash dahil sa mga lumalabas na isyu.
Sinabi ni Toni na palagi siyang nagdadasal sa diyos na sana hindi sila dumaan ni Paul sa mga naturang pagsubok sa kanilang buhay magasawa.
Paliwanag pa ni Toni naniniwala siya sa women’s Intuition o kutob dahil 80 porsyentong nagkakatotoo ito at sa kasalukuyan aniya ay wala pa siyang nararamdamang ganun sa kanyang asawa.