Nadagdagan pa ang mga humahanga sa Kapamilya actress na si Liza Soberano.
Ito ay matapos na ihayag ng La Luna Sangre actor na si Tony Labrusca ang kanyang paghanga kay Liza.
May pag-aalinlangang inamin ng aktor na nagagandahan siya sa aktres na aniya, hindi niya ito makitaan ng ‘bad angle’.
Bukod sa magandang physical appearance ni Liza, kitang-kita rin umano na mabait ito.
Bukas umano ang binata sa oportunidad na makatrabaho ang tambalang LizQuen o Liza Soberano at Enrique Gil.
Samantala, bukod kay Liza sobrang nagagandahan din umano si Tony sa Kapuso actress na si Heart Evangelista.
Si Tony ay ang tumatayong third wheel sa tambalang KathNiel o Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa primetime series na La Luna Sangre.