Nag-sorry ang aktor na si Tony Labrusca sa kanyang Twitter post sa mga opisyal ng Bureau of Immigration.
Ito’y makaraang umani ng batikos sa social media ang mga kwento na gumawa umano ng iskandalo ang aktor habang nasa loob ng NAIA o Ninoy Aquino International Airport.
Inamin ni Labrusca na sumabog ang kanyang emosyon dahil sa pagkadismaya nang bigyan lamang sya ng immigration ng tatlumpung araw para manatili sa Pilipinas.
Napag-alamang wala palang working visa ang aktor para malayang makapagtrabaho sa bansa.
Pinabulaanan ni Labrusca na tinawag nyang stupid ang ilang Immigration officer pati na ang kanyang pagmamayabang bilang isang artista at muling humingi ng paumanhin.
— Tony Labrusca (@tonythesharky) January 4, 2019