Muling sinupalpal ng negosyanteng si Tony Tiu ang senado sa panibago nitong Blue Ribbon Sub-Committee hearing kaugnay sa mga alegasyon laban kay Vice President Jejomar Binay.
Nanindigan si Tiu na hindi siya lalabas ng bansa at handang humarap sa pagdinig sa kondisyon na hindi i-rerespeto siya ng mga senador.
Ayon sa negosyante, lahat na ng kailangang tanungin ay nasagot na niya kahit na binabastos siya ng mga miyembro ng Blue Ribbon Sub-Committee.
Giit ni Tiu, walang dahilan upang ipa-contempt siya lalo’t at kung mayroon man siyang nilabag na batas ay nalalaman naman ito ng publiko lalo’t ligal ang kanyang mga negosyo.
Samantala, magpapadala naman ng liham si Tiu sa senado bilang patunay na dadalo siya sa hearing sa May 28.
By Drew Nacino