Bumagsak sa kamay ng awtoridad ang Top 1 Most Wanted Person ng Parañaque City Police Station.
Ang 36-anyos na si Godofredo Lansanga III ay nahuli sa Jedz Resort sa Mc Arthur Highway, Calumpit, Bulacan.
Ayon sa Parañaque Police, noon pang 2019 tinutugis ng batas si Lansanga dahil sa kasong Illegal Possession of Firearm and Ammunition na nakabinbin laban dito sa isang korte sa lungsod.
Nagbabala naman ang SPD o Southern Police District na hindi ito titigil hangga’t hindi nahuhuli ang mga taong nagtatago sa batas sa kanilang distrito.