Milyun-milyong metriko tonelada ng plastik ang napo-produce sa buong mundo bawat taon. Kalahati sa plastik na ito ay nire-recycle, sinusunog, o kaya naman ay itinatapon sa mga landfill at dagat na nakakapinsala sa marine ecosystem.
Ano nga ba ang Top 10 countries na may pinakamaraming itinatapon na plastic sa dagat?
Tara, alamin natin yan.
Ipinakita ng Science Advances ang mga nangungunang bansa na naglalabas ng plastic pollutants sa dagat.
Kabilang dito ang Pilipinas na nasa Top 1!
Batay sa ulat ng naturang scientific journal, ang Pilipinas na may 36,300 kilometrong coastlines ang nagtatapon ng 35% o higit 350,300MT na plastic sa karagatan.
Bukod sa Pilipinas, pasok din sa top 10 ang India, Malaysia, China, Indonesia, Myanmar, Vietnam, Bangladesh, at Thailand na lahat ay mula sa Asya.
Habang ang Brazil naman ang tanging bansa na hindi mula sa Asya na nakapasok sa nasabing listahan.
Kaugnay nito, bilang pagsisikap na bawasan ang plastic waste sa Pilipinas, inilunsad kamakailan ang Extended Producer Responsibility Law (EPR). Sa ilalim ng estratehiyang ito, magiging responsable na ang mga kumpanya sa kanilang plastic packaging na ginagamit nila upang protektahan, dalhin, at ibenta ang kanilang mga produkto.
Dahil dito, nagsimula na ang ilang kumpanya sa bansa sa paggawa ng mga produkto mula sa mga recycled plastics. – sa panunulat ni Elaine Dimalanta