Piloto, navigator at flight engineer ang tatlo sa sampung nangungunang trabaho sa bansa kung suweldo ang pag-uusapan.
Batay sa top 10 high paying jobs ng Department of Labor and Employment, mayruong average na buwanang suweldo ang tatlong nabanggit na isandaan at limampu’t anim na libong Piso.
Sinundan naman ito ng engineering geologist na siyang nagsasagawa ng risk assessment sa mga Earth materials at geological hazards na tumatanggap ng mahigit isandaan at isang libong piso.
Sumunod naman dito ang mga graphic designers, art director, machinery technicians, fitters, statistician para sa insurance at pension funding, crushing grinding at chemical mixing machinery operator na sumuweldo mula limampu hanggang walumpung libong piso.
Habang nasa panghuling puwesto ang mga communications service supervisors, production supervisor at general foreman na sumusuweldo mula apatnapu’t pito hanggang apatnapu’t walong libong piso.
By: Jaymark Dagala