Patay sa ikinasang operasyon ng pulisya ang top 10 most wanted drug personality sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.
Ito’y makaraang manlaban sa mga awtoridad ang suspek na si Kaharudin Markay Santi sa ikinasang drug buy bust operation sa nabanggit na lugar.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Debold Sinas, magsisilbi lamang sana ng warrant of arrest ang pulisya laban kay Santi subalit pinaputukan nito ang mga aaresto sa kaniya.
Dahilan upang gumanti naman ng putok ang mga pulis na siyang nagresulta sa agaran nitong kamatayan kung saan, nakuha ang kalibre trenta’y otso nitong baril, rifle granade at 10 pirasong hinihinalang shabu.
Nabatid na malapit si santi sa grupo ng isang Tadoy Makatigel na konektado sa local Dawlah Islamiyah terror group sa Soccsksargen Region.