Isinapubliko na ng Commission on Elections (COMELEC) ang sampung lalawigan na may pinakamaraming botante sa Pilipinas.
Ayon sa COMELEC, nangunguna rito ang Cebu na may higit tatlong milyong botante.
Sumunod dito ang Cavite at Pangasinan na may higit dalawang milyong botante.
Kabilang din sa top 10 na may pinakamaraming botante ang; Laguna, Bulacan, Negros Occidental, Batangas, Iloilo, Rizal at Pampanga.
Patuloy naman ang babala ng COMELEC sa mga kandidatong lumalabag sa panuntunan ng pangangampanya. – sa panulat ni Abby Malanday