Naitala ang negosyanteng si Jacinto Ng at pambansang kamao Manny Pacquiao bilang nangungunang taxpayers sa taong 2014.
Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), nagbayad ng P289. 1 million pesos na regular income tax si Ng, may-ari at founder ng Rebisco Biscuit Corporation.
Si Ng ay nakatala sa Forbes Magazine bilang ika-36 na pinakamayamang tao sa Pilipinas sa taong ito.
Samantala si Pacman naman ay nagbayad ng P210. 3 million pesos na regular income tax sa 2014.
Ang kongresista ay itinuturing na ikalawa sa highest paid athlete sa buong mundo sa taong ito at may kabuuang kita na umaabot sa 62 million US dollars.
Pasok din si presidential sister Kris Aquino sa top ten highest taxpayers sa 2014 matapos magbayad ng P54. 5 million pesos na buwis.
Nasa ika-siyam na puwesto naman si San Miguel Corporation Chief Executive Officer Ramon Ang na nagbayad ng buwis na P51 million pesos.
Kabilang sa top ten individual taxpayers si Mercury Drug President Vivian Azcona na nagbayad ng P153.6 million pesos na buwis, Columbia Motors Corporation President Jose Alvarez – P73 million pesos, Jacinto Ng, Jr. ng Rebisco – P66. 9 million, Developer Ronaldo Soliman – P53. 5 million pesos, Coca-Cola President and CEO William Schultz – P51. 3 million pesos at Finance Executive Lauro Baja III- P50. 7 million pesos.
By Judith Larino