Naaresto ng mga awtoridad ang top 4 most wanted person National Capital Region Police (NCRPO) sa Indang sa Cavite.
Ayon sa NCRPO, napasakamay ng mga awtoridad ang 28-taong gulang na suspek na kinilalang si Gregorio Aldovino matapos ang matagumpay na isang buwang malalimang operational research, surveillance at monitoring ng mga awtoridad.
Mababatid na may pending warrant of arrest si Aldovino dahil sa kasong murder na inilabas ni acting presiding Judge Madonna Echiverri ng QC-RTC Branch 21.