Napabilang sa top 5 finalist ang pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray sa isinagawang Miss World 2016 coronation night sa The Theater, MGM National Harbor sa Maryland USA.
Nasungkit ni Miss Puerto Rico, Stephanie del Valle ang 2016 Miss World crown.
Habang nasa ikalawa at pangatlong puwesto naman ang mga pambato mula Dominican Republic at Indonesia.
Sa isinagawang question and answer portion ay tinanong si Gray kung anong mga katangian ang sa tingin niya ang dapat taglayin ng susunod na Miss World winner.
Sinagot ito ni Gray na: “I think first of all it takes bravery. To be a Miss World is to carry a burning torch. It is like action carried out by one to illuminate the lives of many. I would dedicate my whole self, my love for the arts and my voice to trying to uplift, empower and educate people. It would be my greatest honor and duty to hold this torch high enough so that all the world could feel and see its light.”
Una rito ay nakuha rin ni Gray ang ikalawang puwesto sa talent competition at napabilang pa sa Top 5 ng ‘Beauty with a Purpose’ portion ng nasabing patimpalak.
Nagpasalamat si Gray sa kanyang pamilya, mahal sa buhay, mentors gayundin sa kanyang mga kababayan para sa suporta at tulong na ibinigay sa kanya at iniaalay niya iyon para sa mga kabataan ng Smokey Mountain.
Sumali si Gray sa pangarap na maiuwi ang ikalawang Miss World title ng Pilipinas na una nang nakuha ni Megan Young noong 2013.