Arestado ang isang lalaki na itinuturing na Top 5 Most Wanted Person sa Central Visayas sa Bohol.
Kinilala ang suspek na si Raindro Gabas Buno alyas “Wally, Bigbig at Sendoy”, 48-anyos na inaresto sa Barangay San Roque Sa Talibon, Bohol.
Ayon kay Bohol Police Provincial Office (BPPO) Police Dir. Colonel Osmundo Salibo, inaresto ang suspek sa anim na Arrest warrant para sa kasong Murder at Attempted Murder na inilabas ng Regional Trial Court Branch 101 ng Talibon at RTC Branch 51 ng Carmen.
Nabatid na walang bail na inirekomenda sa kasong Murder pero may piyansang P120K bawat isa sa anim na bilang ng Attempted Murder.
Napag-alaman na dati umanong miyembro ng New People’s Army’s Squad 2, Sandatahang Yunit Pampropaganda Platoon ng Bohol Party Committee ang suspek na ngayon ay dinala na asa sa Talibon Police Station. —sa panulat ni Angelica Doctolero