Patay sa operasyon ng militar ang top 5 wanted person sa Lanao Del Sur.
Kinilala ni Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., commander ng Western Mindanao Command, ang suspek na si Sampiano Deniega na dawit sa multiple murders, drug trafficking at extortion.
Sinabi ni Vinluan na napilitan ang mga otoridad na putukan si Deniega, alias “Nonoy” dahil sa pagtanggi nito sa pag-aresto sa kaniya.
Tinangka pa aniya ni Deniega na tumakas kasama ang dalawang kasamahan bago pinaputukan ang mga otoridad subalit hinabol sila hanggang masukol ng mga sundalo bagamat tagumpay na nakatakas ang dalawang iba pa.
Si Deniega ay isinugod sa Dr. Serapio Montanier Hospital sa malabang subalit idineklarang dead-on-arrival.
Narekober ng mga otoridad sa suspek ang isang 38 caliber na may mga bala, granada at dalawang sachets ng hinihinalang shabu.