Kinumpirma ng Malacañang na nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng top adviser ni Russian President Vladimir Putin sa Davao City.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang naging agenda at tanging courtesy call lamang ang naging pagtatagpo ng Pangulo at Secretary of the Security Council of the Russian Federation Nikolai Patrushev.
Si Patrushev ay malapit na kaibigan at pangunahing tagapayo ni Putin pagdating sa pagdedesisyon sa national security affairs ng Russia.
Una nang ipinahayag ni Pangulong Duterte ang kanyang pagnanais na maging kaalyado ng Russia kasunod ng pagpait naman ng relasyon ng bansa sa Amerika.
By Rianne Briones
Photo Credit: Reuters