Tuluyan nang sinibak ng gubyerno ng China si Wang Zhimin, ang central liaison officer ng nasabing bansa sa Hong Kong.
Ito’y kasunod ng mahigit 6 na buwan nang kilos protesta sa Hong Kong sa kabila ng panawagan ng central committee ng Chinese communist party na pangalagaan ang seguridad sa nasabing lugar.
Ginawa ng Chinese Ministy of Human Resources and Social Security ang anunsyo ng pagsibak kay Wang bilang direktor ng makapangarihang tanggapan.
Si Wang ang kauna-unahang top official ng China na sinibak sa puwesto dahil sa hindi matapus-tapos na mga pagkilos sa lugar.
Hahalili kay Wang ang secretary ng communist party sa probinsya ng Shanxi na si Luo Hui-Ning.