Nananatiling matatag ang kapit ni Senador Grace Poe sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.
Sa ika-apat na linggo ng Boses ni Juan 2016 ng DWIZ, si Poe pa rin ang piniling kandidato ng mga respondents para sa pagka-Presidente at maging sa pagka-Bise Presidente.
Mahigit sa 24 na porsyento ng mga respondents ang pumili kay Poe bilang Presidente samantalang mahigit 40 ang may gusto sa kanya bilang Bise Presidente.
Hindi naman lumalayo kay Poe si Vice President Jejomar Binay sa pagka-Presidente sa percentage na 22 percent, samantalang mayroon rin itong mahigit sa 4 na porsyentong boto para sa pagka-Bise Presidente.
Pangatlo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na mayroong 19 percent para sa pagka-Presidente at halos 10 porsyento sa pagka-Bise Presidente.
Pang-apat sa Boses ni Juan 2016 ika-apat na linggo sa posisyon bilang Pangulo si Senador Bongbong Marcos at ika-lima si Senador Miriam Santiago.
Ang posibleng maging standard bearer ng Liberal Party na si DILG Secretary Mar Roxas ay nasa ika-anim na puwesto sa botong halos 6 na porsyento.
Ang mga lumutang namang pangalan para sa pagka-senador ay mga datihan pa rin tulad nina Senador Miriam Santiago, Escudero, Senador Allan Peter Cayetano, Lacson, Senador Antonio Trillanes, Senador Koko Pimentel, Senador Bongbong Marcos, dating Senador Dick Gordon, Senador Franklin Drilon, Senador Pia Cayetano, Senador Vicente Sotto, Senador Grace Poe at Senador Ralph Recto.
By Len Aguirre