Aabot sa 10 set ng umanoy classified documents ang nakuha ng Federal Bureau of Investigation (FBI) matapos ang isinagawa nilang pag-raid sa Mar-a-Lago Resort na pag-aari ni former US Pres. Donald Trump.
Ayon sa FBI, ilan sa mga nasamsam nilang sensitibong dokumento ang maituturing na “top secret” na kinuha ni Trump sa White House.
Ayon sa Korte, may kaugnayan sa paglabag sa Espionage Act ang ginawang paggalugad ng FBI sa property ng dating presidente ng Estados Unidos.
Una nang sinabi ni Trump na hindi kinakailangan o hindi akma ang ikinasang operasyon ng FBI sa Mar-a-Lago Resort sa Florida, USA.
Dati nang napaulat na kabilang sa mga classified documents na hinanap ng FBI sa tahanan ng former president ang may kinalaman sa mga nuclear weapon.