Kapwa nag – uwi ng back – to – back win ang top teams sa Eastern Conference ng NBA.
Tinuldukan ng 11 points ng Boston Celtics ang Philadelphia 76ers kung saan gumawa ng 36 points ni Kyrie Irving para madepensahan ang trono ng Celtics bilang top team.
Tumulong din si Al Horford na gumawa ng 21 points at Jayson Tatum ng 15 points habang inalat naman ang 76ers kahit pa gumawa ng 18 points si Dario Saric at 17 points naman si JJ Redick.
Samantala, nagdiwang din ang third rank na Cleveland Cavaliers matapos ilampaso ang Atlanta Hawks tungo sa final score na 121 – 114.
Hindi nagtagumpay ang Hawks bagamat nakahabol sa 4th quarter sa lamang ng Cavs kung saan gumawa ng 25 points si Kevin Love at 24 points naman ang ginawa ni Lebron James.
Ang nasabing panalo ay ika -18 na ng Celtics at ika – 15 naman ng Cavs.