Target ni PhilHealth President at CEO Ricardo Morales ang top to bottom reorganization sa ahensya.
Ito ay para matututukan ang inaasahang dami ng trabaho sa sandaling tuluyang maipatupad ang Universal Health Care Law sa taong ito.
Sinabi ni Morales na tinitingnan na niya ang organizational chart ng PhilHealth dahil kailangang makapagbigay sila ng mas maraming serbisyo sa kanilang mga miyembro.
Ayon kay Morales, kapag naipatupad na ang Universal Health Care Law, asahan nang dodoble ang insurance claims na pinoproseso ng PhilHealth na papalo na sa P2-M na.