Binuhay ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang tourist-oriented police for community order and protection (TOPCOP) sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Gamboa, ito’y upang matiyak na nasusunod ng mga turista ang mga ipinatutupad na health protocols laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Gamboa na inatasan na niya ang mga local police units sa pamamagitan ni Directorate for Operations Director Maj. Gen. Emmanuel Licup na i-reactivate ang TOPCOP at mas paigtingin pa ang kanilang tourist police assistance desks.
Matatandaang nagbigay na ng ‘go signal’ si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat para sa turismo sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ.