Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na ipaalam nito sa mga presidential at vice presidential candidates ang mga general topics na tatalakayin sa inorganisa nitong debate sa Marso.
Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, ito ay upang mabigyan ng oportunidad na makapaghanda ang mga kandidato.
Gayunman, nilinaw ni Jimenez na hindi nila ibibigay sa mga kandidato ang mga specific question sa nasabing debate.
Iginiit ni Jimenez na hindi na bago ang nasabing hakbang at ginawa na rin ito noong 2016.
Itinakda ng COMELEC ang isasagawang presidential debate sa Marso 19.