Sinuspindi ng Women’s Tennis Association (WTA) ang kanilang mga torneo na isinasagawa sa china.
Ito’y kasunod ng kawalan ng transparency sa alegasyon ng sexual assault ni Chinese star Peng Shuai laban sa dating mataas na opisyal ng nasabing bansa.
Sinabi ni WTA Chairman at CEO Steve Simon, minabuti ng WTA na suspendihin ang lahat ng kanilang torneo sa China.
Aniya, hindi nila papayagang makapaglaro ang kanilang mga tennis player sa China kung hindi malayang makapagsalita ang manlalaro kagaya ni Shuai.
Paliwanag pa nila, nangangamba sila na baka maulit lamang ang nangyari kay shuai kung saan pinatahimik lamang nila ito.
Magugunitang, kada taon nagsasagawa ang WTA ng sampung torneo sa nasabing bansa.