Wagi ang Toronto Raptors kontra Cleveland Cavaliers sa iskor na 99-97.
Sa kanyang 43 puntos, pinangunahan ni Kyle Lowry ang raptors na nagtala ng ika-10 panalo sa home court ng koponan.
Nag-tie pa ang Raptors at Cavaliers sa 97, ngunit makaraang magmintis si Jr Smith ng Cavs, nakagawa ng pull-up jumper si Lowry na siyang ikinaabante ng raptors ng 2 puntos.
Dahil sa panalong ito ng raptors, 2-1 na ang standing sa pagitan ng Raptors at Cavaliers sa tunggalian sa Eastern Conference ng NBA.
By: Avee Devierte