Handa si Manila Mayor Joseph Estrada na gibain ang Torre de Manila.
Ayon kay Estrada, handa niyang sundin ang iuutos ng Korte Suprema sakaling magdesisyon itong ipagiba ang Torre de Manila.
Gayunman, hinihintay pa ang magiging hatol ng korte bago sila gumawa ng aksyon sa halos 50-palapag na gusali.
Pansamantalang itinigil ang pagbebenta ng condominium unit sa kontrobersyal na “Pambansang Photobomber”.
Sinuspinde ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) ang lisensya ng DMCI Homes dahil sa inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) laban dito.
Ani HLURB Chief Executive Director Antonio Bernardo, hininto rin muna ang pagbabayad ng monthly amortization ng mga nakakuha na ng unit.
License to sell ng Torre de Manila, sinuspinde
Sinuspinde na ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) ang license to sell ng DMCI para sa Torre de Manila.
Ayon kay HLURB CEO Antonio Bernardo, iiral ang suspensyon hangga’t may bisa ang TRO ng kataas-taasang hukuman.
Giit ni Bernardo, kailangan nilang i-hold ang lisensya ng Torre de Manila dahil baka mas malaking problema ang mangyari kung tuloy-tuloy ang pagbenta ng mga unit.
Magugunitang noong Martes ay ipinahinto muna ng Korte Suprema ang construction ng condominium building dahil sa reklamo ng Knights of Rizal, dahil nagiging “photo bomber” ito sa monumento ni Dr. Jose Rizal.
Maliban sa monumento ni Rizal, “photo bomber” din ang turing sa Torre de Manila ng mga kumukuha ng larawan sa kilalang “clock tower” ng Manila City Hall.
By Mariboy Ysibido