Tinawag ng Gastronomic Catalog na Taste Atlas na ‘Best Egg Dish’ sa buong mundo ang Tortang Talong.
Sa ibinahaging tier list ng Taste Atlas, nakakuha ang Tortang Talong ng 4.7 audience rating, sinundan ng Kuku Sabzi ng Iran na may 4.6; at Huevos Divorciados ng Mexico na may 4.5.
Nasa kategoryang ”great” naman ang “Eggs Benedict” ng Amerika at “Tortilla de Patata” ng Spain na kapwa nakakuha ng 4.2 rating, at “Omurice” ng Japan na mayroong 4.1.
Pinangalanan naman bilang worst egg dish ang Balut, na nakakuha lamang ng 2.7 na rating.
Samantala, hinirang din ng flavor encyclopedia bilang 7th best soup in the world ang Sinigang, kasama ang Bulalo at Tinolang Manok.