Hindi katanggap-tanggap para sa Simbahang Katolika ang paggamit ng karahasan sa pagpapaamin sa mga kriminal o hinihinalang terorista.
Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Archbishop Soc Villegas, kabalintunaan o kabaligtaran aniya ito ng dakilang layunin na ipagtatanggol ang publiko mula sa karahasang dulot ng mga terorista.
Binigyang diin ng arsobispo na hindi ang pagpapahirap ang solusyon para mapaamin ang isang hinihinalang terorista dahil may digdinad din ito bilang isang tao na dapat pangalagaan.
Ginawa ni Villegas ang pahayag bilang reaksyon sa ulat ng Amnesty International na maraming hinihinalang terorista ang nahuhuli sa Pilipinas ngunit nakararanas ng pagmamalupit mula sa mga tagapagpatupad ng batas.
By Avee Devierte