Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng total ban ng mga Overseas Filipino Worker sa Kuwait matapos ang ilang insidente ng sexual abuse.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa launching ng Overseas Filipino Bank sa Maynila, kahapon.
Ayon sa punong ehekutibo, hindi niya nais magkaroon ng hidwaan ang Pilipinas at Kuwait subalit dapat gumawa ng paraan upang mailigtas ang mga Filipina na karaniwang nag-ta-trabaho bilang mga housemaid.
Hindi anya pwedeng tiisin na lamang ng mga OFW ang paghihirap na kanilang dinaranas sa mga mapang-abuso nilang amo.