Pinalawig ng Cebu ang total ban nito sa pagpasok ng pork products mula sa Luzon hanggang sa Eastern Visayas.
Kasunod na rin ito nang inilabas na kautusan ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na nagsasama sa Eastern Visayas sa pork ban sa lalawigan.
Nakasaad sa direktiba ni Garcia na posibleng magdulot ng panganib sa P11-billion hog industry ng Cebu ang pork products mula sa Eastern Visayas dahil ang rehiyon ay magsisilbing transshipment point ng mga produkto mula Luzon na ibinabalak ipasok sa probinsya.
Magugunitang ipinatupad ng Cebu ang ban sa pork products mula Luzon bunsod ng banta ng African Swine Fever (ASF) hanggang sa June 2020.