Dapat magpatupad ng total ban sa pagpasok ng basura sa bansa ang pamahalaan.
Pahayag ito ng Ecowaste Coalition matapos matuklasan ang panibagong mga basura na mula naman sa Australia, South Korea at Hong Kong.
Ayon kay Irene Lucero ng Ecowaste Coalition, panahon na para repasuhin ang mga batas ng bansa na ginagamit na palusot upang makapagpasok ng imported na basura.
Sinabi ni Lucero na posibleng matagal nang nangyayari ang pagpasok ng imported na basura sa Pilipinas subalit ngayon pa lamang ito natutuklasan.
“May mga loopholes eh lahat ng mga basura na pumapasok dito laging lagi meron in guise of recycling yun ang ginagamit nila to declare para makapasok. So sa Ecowaste Coalition mas maganda kung mag-baban na lang ng waste importation para hindi nalulusutan o naiiputan an gating mga batas.” Pahayag ni Lucero.