Imposible ang total ban sa contractualization na hinihingi ng mga manggagawa.
Reaksyon ito ni Donald Dee ng Employers Confederation of the Philippines o ECOP sa pag-alma ng labor groups sa executive order ng Pangulong Rodrigo Duterte na anila’y hindi tumutugon sa pangangailangan ng mga manggagawa.
Ayon kay Dee, hindi maiiwasan ang pagkuha ng contractual workers depende sa disenyo ng isang negosyo.
Pinuna rin ni Dee ang aniya ay paiba-ibang isip ng mga labor groups, isang patunay dito ang halos lima na magkakaibang draft ng EO na isinumite nila sa Malacañang.
“Hindi po contractualization ang ating pinag-uusapan dito, iba na po, nanganak na, gusto ngayon nila total ban ng contractualization which is impossible, dahil may mga sektor sa ekonomiya at malalaking sektor, ang business plan at business model ay base sa nakukuha nila abroad tulad ng BPO, kung tatlong taon ang contract sa kanila ay ganun din ang hiring nila ng tao, kaya lumalaki ‘yan dahil meron silang contract, may contract na tatlong taon, limang taon.” Pahayag ni Dee
(Ratsada Balita Interview)