Binuhay ng EcoWaste Coalition ang kanyang adbokasiya na total ban sa lahat ng uri ng paputok at pailaw na ginagamit sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ginawa ito ng grupo makaraang iulat ng Department of Health (DOH) na 60% ng mga nasagutan sa pagsalubong ng Bagong Taon ay dahil sa legal na paputok at pailaw.
Binigyang diin ni Thony Dizon, chemical safety campaigner ng EcoWaste Coalition na tanging total ban sa paputok at pailaw ang solusyon upang makamit ang zero injury tuwing magpapalit ang taon.