Ipinatupad ng provincial government ng Cagayan ang total ban o pagbabawal sa pagpasok sa probinsya ng mga buhay na baboy, fresh o frozen pork, maging ng mga pinrosesong karneng baboy.
Ang kautusan ay makaraang lagdaan ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang Executive Order No. 24 na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng iba’t-ibang produktong baboy.
Paliwanag ni Mamba, ang kautusan ay para lamang matiyak na hindi makalulusot sa Cagayan ang sakit na African Swine Flu (ASF) na maaaring makaapekto sa kanilang hog industry.
Kasunod nito, ayon sa pamunuan ng Provincial Veterninary Office ng Cagayan, mas lalo pa nilang pinaigting ang isinasagawang monitoring sa mga online sellers dahil wala anilang kasiguraduhan sa mga pinanggalingan ng mga baboy lalo na kung hindi ito rehistrado ng Food and Drug Administration.